Isang Oras ng mga Pilipino para sa Pangulo
Marami ang patuloy ang pagtuligsa sa pamumuno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Marami ang di naniniwala sa kakayanan niya bilang presidente ng Pilipinas, kaya nitong State of the Nation Address (SONA) niya ng Hulyo 24, 2006 makikita sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ang halos 10,000 mga taong nagproprotesta laban sa kanya. Kinailangan pa ng pangulo ng halos 16,000 sundalo at pulis para protektahan siya habang nagbibigay ng talumpati. Kinailangan niya ang proteksyong ito dala na rin ng paglaganap ng napakaraming pagtatangka sa kanyang buhay.
Napapaloob sa SONA ni PGMA ang iba't-ibang isyu na nais niyang tugunan sa nalalabing oras ng kanyang pagkakaluklok sa pwesto. Panibagong umpisa- ito ang nais niyang ipahiwatig sa bandang umpisa ng kanyang talumpati. Malakihang paggastos para muling ibangon ang ekonomiya ng Pilipinas, nais niyang pagtuunan ng pansin ang mga pampublikong daanan, at pampublikong mga kagamitan na maaaring makatulong sa pagsulong ng agrikultura sa ating bayan. Nabanggit niya sa kanyang talumpati na may pondo na ang Pilipinas. Pondo na maaaring gamitin sa edukasyon ng mga Pilipino at maaari ring gamitin para sa pagsulong ng ating ekonomiya. Ngunit totoo nga ba ito? napupunta nga ba ang sinasabing pondong ito sa dapat nitong puntahan o sadyang diretso na ang perang ito sa bulsa ng mga pulitiko?
Maging sa kanyang talumpati ay ipinipilit niyang ihapag ang CHA-CHA. Sinasabi niya na kailangan raw natin ito ngayon, at dapat raw itong ipatupad. Ngunit kailangan nga ba talaga ito o sadyang ipinipilit lang niya? Siya ang nasa itaas, pawang makikinig lamang tayo sa kung ano ang kanyang sasabihin. Di lahat ng tao ay kritikal pagdating sa pakikinig, pero sa ganitong pagkakataon, kailangan.
Kapansin-pansin sa kanyang talumpati na tuwing gugunita siya ng magagandang nagawa niya ay laging taong 2001-2003 lamang ang kanyang nababanggit. Ano ang nangyari sa taong 2004 at 2005? Bakit di ito maisama sa gunita ng magagandang gawa niya? ibig bang sabihin ay wala siyang nagawang maganda ng mga panahong iyon?
Tulad ng nakaraang mga SONA, ginagamit lamang ang pagkakataong ito para pabanguhin ang pangalang ng namumuno. Taon-taon na lamang ay pinauulanan nito ng pangakong napapako ang sambayanang Pilipino. Sa taong ito, isang oras na talumpati ang inilahad ni PGMA. Isang oras ang inilaan ng mga Pilipino para makinig sa sasabihin ng pangulo, sana nga lang ay di kasinungalingan ang mga platapormang inihain niya sapagkat di na kakailanganin pa ng ating mga kababayan dahil di nito magagawang hapagan ng pagkain ang kanilang mga hapag-kainan. Sana nga lamang ay di pag-aaksaya ng oras ang ginawang pag-aabang ng buong Pilipinas sa mga sasabihin ng Pangulo patungkol sa pagpapaunlad ng kinabukasan ng ating bayan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home